Thursday, January 31, 2019

The Ultimate Job Interview Tips for Modern Pinoy Applicants

Job interview ay sa una at mahalagang proseso sa paghahanap ng trabaho. May iba mahusay, may iba sakto, at mayroon din na sumasablay sa hiring process na ito.  Pero paano nga ba maging magaling dito? Narito ang aking job interview tips 2.0. based sa aking experience, natutuhan, at research:

Job interview 101: Be practically prepared to get hired


Maraming beses mo na sigurong nakita ang tip na maging handa bago ang iyong job interview. Pero paano nga ba magiging prepared or ready na aplikante lalo na sa interview?   Ito ang mga epektibo gawin bago ang job interview:



  • Tsek mo ang iyong kalakasan at kahinaan sa  pagtatrabaho

Dalawa sa common questions ng mga hiring officers ay “why we should hire you” and “what are your strengths and weaknesses?” Pero kahit “tell me about yourself" lang ang naitanong ay ang kadulu-duluhan n'yan ay  malaman nila kung ano ang mayroon ka (strength at weakness) para ikaw ang kunin sa halip na ibang aplikante.  Ang cheesy nga lang  na nagtatanong sila ng  number ng kapatid mo at pang-ilan ka  ilang personal questions pero 'yon pa rin ang gusto lang nila ipunto. 




Isa pa'y kapag alam/ convinced ka sa strengths mo ay madali sa iyo na ma-"sales talk" ang iyong sarili. Iyong laman ng resume mo ay ebidensya ng sinasabi mo o mas naipapaliwanag mo ang laman ng resume mo. 

  • Pag-aralan ang negosyo ng kompanya

Isa naman sa common mistakes (including me before) ay umapir sa job interview nang konti o walang alam sa kompanyang pinuntahan.  Hindi pala puwede iyong basta makuha lang ang address, sinong hahanapin, at requirements na dadalhin. Ito kasi nakakagawain ko kung nagkataong sabay-sabay o sunod-sunod ang interview.  Minsan okay lang iyon, pero madalas ay hindi kasi magtatanong at magtatanong ang hiring officer tungkol sa alam mo about their company. Automatic din na iniisip nila na may alam ka, kaya may mga job questions sila na konektado sa magagawa mo partikular sa negosyo ng kompanya. Kapag wala kang alam, ang sagot mo ay palaging generic o sa palagay mong para sa lahat. Eh may kanya-kanyang target market, product line, at dos and don'ts ang bawat kompanya.


Tandaan din na kalmado at mas kalkolado mo ang itatakbo ng interview kung mas handa mong sagutin iyong posibleng itanong. Tipong pang Catriona Gray  o Miss Universe level. Mas  makikinita-kinita rin ng hiring officer na makasama ka sa kanilang company kung kaya mong ikonek ang halaga mo sa misyon at bisyon nila.

  • Mag-ensayo kung paano maima-market ang iyong sarili. Kung nakuha mo na iyong naunang dalawang tips ay mas dadali ang pagma-market o pagbebenta ng iyong serbisyo sa kompanyang in-apply-an mo.  Pasok din doon iyong kung paano mo na rin ang  ipapahayag ( how to express your thoughts and ideas) ang iyong sarili  sa job interviewer.

Napansin sa ilang job interview experiences ko ay mas lalo kang mahihirapan  sa communication, if in the first place, ang dami-dami mong iniisip ng sabay-sabay. Pressured ka na sumagot agad kasi hindi mo alam kung ano isasagot mo (kasi 'di mo inalam muna ang iyong bentahe at company), nauutal ka pa kasi feeling mo kailangan mong masabi iyon nang tama sa hindi mo natural na lengguwahe. So nagpa-panic ka na while translating your Filipino thoughts and to speak those in English.   


Totoo maraming job applicants na posibleng magagaling sa English at talagang may edge sila (especially sa BPO companies). Pero I guess in general at maliban sa pagsasalita ng English,pinaka the best pa rin iyong confident ka na alam mo ang sinasabi mo.  Most of the companies that interviewed and hired me (15+ companies) ay mas nakipag-negotiate sa akin in TagLish / Bilingual. Ang importante sa kanila ay paano mo i-explain ang iyong edge para sa  bakanteng trabaho, paano ka magtrabaho, at posible mong kontribusyon sa company nila. May job interview ako na in 15-20 minutes hired na ako. I am not saying na ang galing ko na empleyado o job interviewee. Bawat interview ay iba-iba at marami rin akong failed applications ( mga 100+). Pero sa partikular na moment na iyon, siguro nakuha ko iyong gustong malaman ni Ma’am agad. 

Pagdating sa communication, especially in the way you express yourself ay dalawa 'yan:

  • sa salita (verbal) – siempre better  if you know how to communicate effectively in English/ Filipino. May tip para mapabuti ang iyong English communication bago ang iyong interview ay manood, magbasa, at magsulat ng English (at least one week). Kailangan mong matutong mag-isip in English para makasagot ka rin sa English nang hindi masyadong sablay.  Of course, better if you keep on polishing your communication skills with or without job interview.  
Ako, nagsimula ako  sa pagbababasa nang malakas ng mga materyal na nasa wikang English, at nagsusulat din ako sa diary sa English. Even sa text, hindi ko gawain iyong jejemon style, at abbreviation. In that way hindi ako masasanay na magsulat at magsalita ng ganun. 

  • gawa (non-verbal). Marami ang binabalewala kung paano sila makipag-communicate non-verbally o sa gawa. Mali iyon. Ayon  sa career strategist na si Linda Rayner ay binabasa rin ng hiring officers ang kilos ng mga aplikante.  
 i-silent mode para ditexting while interviewing 


Read tips online/watch video tutorials.  Noon para makakuha ka nang maayos-ayos na tips about job interview/ job application ay kailangan magbasa ng book, magazine, o bookzine.   Ngayon, I am happy na kailangan mo na lang ay  smartphone, internet connection, at GANA na mag-aral kung paano mo pa mapapabuti ang iyong pagiging aplikante.  

If ever gaya kita na hindi ma-online kapag nasa labas, dina-download ko na lang yung mga  self-help and motivational videos na gusto ko sa Youtube. Para kahit nasa traffic, pila, o waiting mode ako ay may pakinabang ang phone ko.  Maraming videos about career and job applications.  I encourage you to watch and support Filipino youtubers who vlog relevant tips (like Team Lyqa na  giving good tips and techniques for job exams). Hindi ito dahil kapwa Filipino,  kundi yung materials kasi  na gawang Filipino ( like me) ay localize na ang set up ay pang Pilipinas o pang Filipino.


Job Interview 101: Arrive with confidence


Ang sinasabing confidence dito ay tamang amount. Iyong alam mo iyong halaga mo at mga  kakayahan, hindi iyong yabang level.  Confident ka rin kasi you are unapologetic dahil wala kang ginawang nakaka-turn off. 

  • Fake it 'till you make it!” Kung fresh grad ka at first time mo sa pagsalang sa job interview, it's understandable na matensyon ka. Pero kung may babagayan ang 'fake it till you make it' tip ay ito ang isang pagkakataon.  Pekein na hndi ka kinakabahan sa harap nila hanggang sa maipasa mo ang interview.  Paano?  Ikondisyon mo na  hindi ka dapat kabahan KASI alam mo handa ka na rito at itong job interview na ito ay  (pagsubok lang, ganern!) bahagi  ng hiring process. Ituon ang iyong isipan  na ready kang patunayan na para sa iyo ito work na ito.

  • Be on time.  May mga pagkakataon na male-late ka at may mga interviewer din na magpapunta ng pagka-aga-aga pero sila rin ang late sa interview.  Subalit hindi excuse ang mga iyon para palagi kang atrasado sa oras.  Kung ganoon ang trato mo sa lahat ng interview, wag ka na magtaka kung bakit atrasado rin ang usad ng iyong karera, paghawak ng pera, at pagtakas sa pagiging nega.   


  • Wear your professional brand statement / smart casual – Ang personal comfy outfit ko ay t-shirt and pants with kolorete ako. Madalas ganito rin ang outfit ko kapag nagtatrabaho (esp. pag home-based) dahil sa field ko.   Pero as far as I remember, I don’t wear this kind of outfit sa anumang interview na napuntahan ko at hopefully ikaw din, why? Hindi ka lang magmo-mall, makikipag-party o mamimili para pang-rakrakan ang suot mo. Saka mind-conditioning din ang pagsuot ng casual wear sa kakakusap sa iyo at sa paraan mo ng pakikipag-usap / pag-iisip. You take your career seriously and professionally, not casually right

Masaya na ako na ay puwede na smart business casual kaysa sa formal business attire na may blazer/ coat na. Sa akin okay na ang slacks na itim (babae o lalaki), blouse/medyo short sleeves polo, at black closed shoes. Sa akin it doesn’t matter kung may heels o wala basta closed, neat, and presentable.



Job interview 101:   Be an awesome interviewee


I guess sa lahat ng nasa itaas na uri ng preparasyon bago pa ang job interview proper ay dasal na lang ang kulang at determinasyon.  Narito sa link na ito ang Tips ko kapag nasalang ka na sa job interview proper
(https://hoshilandia.com/2013/04/5-simple-job-interview-tips/).

So there you have my ultimate tips sa job interview na sana ay makatulong. If you have sentiment and suggestions about this topic, please comment below. You can also subscribe here in my empleyo 2.0. blog, hitokirihoshi channel, and Facebook fan Page: Hoshilandia.

Mabuhay!