Job
interview 101: Be practically prepared to get hired
Maraming beses mo na sigurong nakita ang tip na maging handa bago
ang iyong job interview. Pero paano nga ba magiging prepared or ready na aplikante lalo na sa interview? Ito ang mga epektibo gawin
bago ang job interview:
- Tsek mo
ang iyong kalakasan at kahinaan sa pagtatrabaho
Dalawa sa common questions ng mga hiring officers ay “why we
should hire you” and “what are your strengths and weaknesses?” Pero kahit “tell
me about yourself" lang ang naitanong ay ang kadulu-duluhan n'yan ay malaman nila kung ano ang mayroon ka (strength at
weakness) para ikaw ang kunin sa halip na ibang
aplikante. Ang cheesy nga lang na nagtatanong sila ng number
ng kapatid mo at pang-ilan ka ilang personal questions pero 'yon
pa rin ang gusto lang nila ipunto.
Isa pa'y kapag alam/ convinced ka sa strengths mo ay madali sa iyo na ma-"sales talk" ang iyong sarili. Iyong laman ng resume mo ay
ebidensya ng sinasabi mo o mas naipapaliwanag mo ang laman ng resume mo.
- Pag-aralan
ang negosyo ng kompanya
Tandaan din na kalmado at mas kalkolado mo ang itatakbo ng
interview kung mas handa mong sagutin iyong posibleng itanong. Tipong pang Catriona Gray o Miss Universe level. Mas makikinita-kinita rin ng hiring officer na makasama ka sa
kanilang company kung kaya mong ikonek ang halaga mo sa misyon at bisyon nila.
- Mag-ensayo
kung paano maima-market ang iyong sarili. Kung
nakuha mo na iyong naunang dalawang tips ay mas dadali ang pagma-market o
pagbebenta ng iyong serbisyo sa kompanyang in-apply-an
mo. Pasok din doon iyong kung paano mo na rin ang ipapahayag
( how to express your thoughts and ideas) ang iyong
sarili sa job interviewer.
Napansin sa ilang job interview experiences ko ay mas
lalo kang mahihirapan sa communication, if in the first place, ang
dami-dami mong iniisip ng sabay-sabay. Pressured ka na sumagot agad kasi hindi
mo alam kung ano isasagot mo (kasi 'di mo inalam muna ang iyong bentahe at
company), nauutal ka pa kasi feeling mo kailangan mong masabi iyon nang tama sa
hindi mo natural na lengguwahe. So nagpa-panic ka na while translating your
Filipino thoughts and to speak those in English.
Totoo maraming job applicants na posibleng magagaling sa English
at talagang may edge sila (especially sa BPO companies). Pero I guess in
general at maliban sa pagsasalita ng English,pinaka the best pa rin iyong
confident ka na alam mo ang sinasabi mo. Most of the companies that
interviewed and hired me (15+ companies) ay mas nakipag-negotiate sa akin in TagLish
/ Bilingual. Ang importante sa kanila ay paano mo i-explain ang iyong edge para
sa bakanteng trabaho, paano ka magtrabaho, at posible mong
kontribusyon sa company nila. May job interview ako na in 15-20 minutes hired
na ako. I am not saying na ang galing ko na empleyado o job interviewee. Bawat
interview ay iba-iba at marami rin akong failed applications ( mga 100+). Pero sa
partikular na moment na iyon, siguro nakuha ko iyong gustong malaman ni
Ma’am agad.
Pagdating sa communication, especially in the way you express
yourself ay dalawa 'yan:
- sa salita (verbal) – siempre better if you know how to communicate effectively in English/ Filipino. May tip para mapabuti ang iyong English communication bago ang iyong interview ay manood, magbasa, at magsulat ng English (at least one week). Kailangan mong matutong mag-isip in English para makasagot ka rin sa English nang hindi masyadong sablay. Of course, better if you keep on polishing your communication skills with or without job interview.
- gawa
(non-verbal).
Marami ang binabalewala kung paano sila makipag-communicate non-verbally o
sa gawa. Mali iyon. Ayon sa career strategist na si Linda Rayner ay
binabasa rin ng hiring officers ang kilos ng mga aplikante.
Read tips online/watch video tutorials.
Noon para makakuha ka nang maayos-ayos na tips about job interview/ job
application ay kailangan magbasa ng book, magazine, o
bookzine. Ngayon, I am happy na kailangan mo na lang
ay smartphone, internet connection, at GANA na mag-aral kung paano
mo pa mapapabuti ang iyong pagiging aplikante.
If ever gaya kita na
hindi ma-online kapag nasa labas, dina-download ko na lang yung
mga self-help and motivational videos na gusto ko sa Youtube. Para kahit nasa
traffic, pila, o waiting mode ako ay may pakinabang ang phone
ko. Maraming videos about career and job applications. I
encourage you to watch and support Filipino youtubers who vlog relevant tips
(like Team Lyqa na giving good tips and
techniques for job exams). Hindi ito dahil kapwa Filipino, kundi
yung materials kasi na gawang Filipino ( like me) ay localize na ang
set up ay pang Pilipinas o pang Filipino.
Job
Interview 101: Arrive with confidence
Ang sinasabing confidence dito ay tamang amount. Iyong alam mo iyong
halaga mo at mga kakayahan, hindi iyong yabang
level. Confident ka rin kasi you are unapologetic dahil wala kang ginawang nakaka-turn off.
- “Fake it 'till you make
it!” Kung fresh grad ka at first time mo sa pagsalang sa job
interview, it's understandable na matensyon ka. Pero kung may babagayan
ang 'fake it till you make it' tip ay ito ang
isang pagkakataon. Pekein na hndi ka kinakabahan sa harap nila
hanggang sa maipasa mo ang interview. Paano? Ikondisyon
mo na hindi ka dapat kabahan KASI alam mo handa ka na rito at
itong job interview na ito ay
(pagsubok lang, ganern!)bahagi ng hiring process. Ituon ang iyong isipan na ready kang patunayan na para sa iyo ito work na ito.
- Be on
time. May
mga pagkakataon na male-late ka at may mga interviewer din na magpapunta
ng pagka-aga-aga pero sila rin ang late sa interview. Subalit
hindi excuse ang mga iyon para palagi kang atrasado sa
oras. Kung ganoon ang trato mo sa lahat ng interview, wag ka na
magtaka kung bakit atrasado rin ang usad ng iyong karera, paghawak ng
pera, at pagtakas sa pagiging nega.
- Wear your
professional brand statement / smart casual –
Ang personal comfy outfit ko ay t-shirt and pants with kolorete ako.
Madalas ganito rin ang outfit ko kapag nagtatrabaho (esp. pag home-based)
dahil sa field ko. Pero as far as I remember, I don’t
wear this kind of outfit sa anumang interview na napuntahan ko at
hopefully ikaw din, why? Hindi ka lang magmo-mall, makikipag-party o
mamimili para pang-rakrakan ang suot mo. Saka mind-conditioning din ang
pagsuot ng casual wear sa kakakusap sa iyo at sa paraan mo ng pakikipag-usap
/ pag-iisip. You take your career seriously and professionally, not
casually right
Masaya na ako na ay puwede na smart business casual kaysa sa
formal business attire na may blazer/ coat na. Sa akin okay na ang slacks na
itim (babae o lalaki), blouse/medyo short sleeves polo, at black closed shoes. Sa
akin it doesn’t matter kung may heels o wala basta closed, neat, and
presentable.
Job interview 101: Be an awesome interviewee
I guess sa lahat ng nasa itaas na uri ng preparasyon bago pa ang
job interview proper ay dasal na lang ang kulang at determinasyon. Narito sa link na ito ang Tips ko
kapag nasalang ka na sa job interview proper
(https://hoshilandia.com/2013/04/5-simple-job-interview-tips/).
So there you have my ultimate tips sa job interview na sana ay
makatulong. If you have sentiment and suggestions about this topic, please
comment below. You can also subscribe here in my empleyo 2.0. blog,
hitokirihoshi channel, and Facebook fan Page: Hoshilandia.
Mabuhay!
The more you put into practice, the more you will get out of the experience. Click here to get more information about professional job training.
ReplyDelete