Friday, November 2, 2018

7 Important Tips in Working in Dubai, UAE


Are you planning to work in Dubai, UAE? Why that place and what you are going to do there?  If ever I plan to travel, work, or live in Dubai, I’ll be well-oriented of dos and don’ts.  Why?  It’s because I can get practical tips from my friends and relatives who have years of work experience there.  To help you too, below are the tips I get specifically from an ex-OFW in Dubai to Mary Ann Canasa:



1.  Be seriously focused while working Dubai because… 


Seryoso sinong OFW (Overseas Filipino Worker) ba ang aalis o umalis na hindi ganito ang kaisipan? Pero maniwala ka maraming nag-isip lang, pero hindi ginawa o nagawa.  To give you an idea, kung ikukumpara sa Australia, New Zealand, Canada, at iba pang bansa ay mababa ang tax sa United Arab Emirates (dati nga wala e). So mura ang bilihin at madali kang magkapera, marami rin mapapasyalan for night life. Pero kung ikukumpara din sa mga nabanggit na bansa, ay hindi ka makabili ng real estate property sa UAE. Hindi daw nila pinahihintulutan, unless makapangasawa ka ng local o UAE national.   Kung gayon kahit dekada ka na sa Dubai, dekada ka ring mangungupahan ng bahay. In short, may hangganan din talaga.

"Magandang i-set mo sa mind mo  na 5 years lang ako dito [ Dubai] at pag-uwi ko mayroon akong Php 10 million.  Pero kung 10, 20, o 30 years ka na roon wala ka pa ring naiipon ay kasalanan mo na 'yon,”  komento ni Mary Ann.

2. Except from your beloved family, probably you will not miss Philippines that much because…


  Sa pagkain ay marami na ring Filipino products doon at maraming Filipino. May day offs para mapuntahn ang mga malls, parks, at iba pang kakaibang pasyalan gaya ng Ferrari World, Burj Al Arab Jumeirah ( 7+ star hotel) at Burj  Khalifa  (pinakamataas na building sa  buong mundo),  at Atlantis.

Mura rin daw ang bayad sa park at walang bayad kung gusto mo mag-swimming sa dagat. Kung mayroon man  ay nasa AED 4- 5.   Sabi ni Mary Ann, para hindi ka masyado ma-homesick ay mainam na magkaroon ka ng mga  kaibigan na palaging makakasama.  Siempre, be careful din kung sino ang  pipiliin na kaibigan.

“Maiingit ka lang kapag nakita mo iyong iba doon na namamsyal kasama ang kanilang pamilya. malulungkot ka. Kaya much better marami kang kaibigan.’ 

3.  To earn more, either aim to take higher position or have multiple jobs that you can handle.       


 Ani Mary Ann, na nasa food and hospitality industry, ang patok na work sa Dubai ay may kinalaman sa medical at administrative.   Katunayan ay marami raw company na nangngailangan ng  secretary. Sa kanyang industry ay maraming opening para sa mga barista, waitress o service crew. Pasok din ang Restaurant supervisor and manager.  

“Kung sa hotel ka, puwede  ka mag-part time sa day off  mo. In one month ay may 6 days off ka at sa time na iyon ay puwede ka  halimbawa mag-baby sitter.  Legal 'yon basta alam ng HR ninyo.  

 Ginawa ko 'yon dahil may mga turistang foreigner doon na iniiwan nila ang anak nila ng ilang oras. Halimbawa gusto nila mag-date silang mag-asawa. Mawawala sila ng 6 hours kaya 6 hours mong aalagaan ang anak nila,” kwento pa ni Mary Ann.


4.    Frugality is essential even you receive high salary


Sabi ni Mary Ann ay malaking bagay kung matipid ka dahil mas malaki ang maiuuwi mong pera.  Ito ay dahil na rin may mga trabaho na may free accommodation and food.  Doon naman sa walang libre ang advice niya ay magtipid sa transpo at bahay. Paano?  

Makakatipid kung magba-bus, kahit na ba mapapahintay ka ng may 15 minutes, dahil papatak lang itong AED 2. Okay din daw mag-train na ang byahe ay dulo sa dulo ng Dubai. Samantala, mahal daw ang taxi roon na sa alala n'ya ay AED 4 na agad pagkaupo mo pa lang.

Sa lodging para makatipid ay mag-"sharing accommodation" ka gaya halimbawa ay apat kayo sa isang kuwarto. Sa pagkain ay wala daw gaanong problema dahil mura at marami na rin Filipino establishments.

5.  Respect and be mindful of dos and don’ts in Dubai  

Bawal mag-inom lalo na kung nasa accommodation tapos may kapit-bahay kang mga local.    Huwag ka ring magkakalat at magdyi-jaywalking.

Sa communication, may mga apps na raw na ipinagbabawal doon at para makabili ka ng sim card ay kailangan  magpasa ka ng photocopy ng iyong passport.

6.   There’s due process for work-related issues/ conflicts


  “Mas okay ang sistema doon kasi mas dumadaan sa proseso. Hindi iyong ‘pag ayaw  na ng manager mo sa iyo, ibabagsak ka.  Doon hindi,   dadaan muna kayo sa HR.

“Saka mababait din naman iyong ibang lahi. Depende naman iyong sa kung marunong kang makisama,” sabi pa ni Mary Ann na sinabing minsan mga kapwa Pinoy pa ang nagkakaproblema sa work.

7.  Having love life or family in Dubai is not a problem as long as your legal and well-documented


“Puwede naman magpamilya doon basta dokementado o kasal kayo."

“May mga company na nagbibigay ng perks na pagpapaaral sa mga anak.  May mga kontrata ng company na kasama ang free accommodation, free car, at isa o dalawang  anak mo ay pag-aaralin lalo na kung mataas na ang posisyon mo. Mayroon din kontrata  na puwede mong  dalhin ang mga anak mo doon at gagamitin ang visa  ng company.

Hopefully may nakatulong ang mga tips and info ni Mary Ann (na nag-Dubai simula 2008 hanggang 2016) at ng Empleyo 2.0 sa iyo.

Note: all photos are owned by Mary Ann Canasa 

Ikaw may tips pang work abroad ka na gusto mo ibahagi? Comment na below! 

No comments:

Post a Comment