Showing posts with label tips for applicants. Show all posts
Showing posts with label tips for applicants. Show all posts

Saturday, February 9, 2019

5 Empowering Tips sa Paggawa ng Resume


Ang paggawa ng resume ay paggawa ng marketing material ng iyong personal brand. Bigat ng definition 'di ba?  Pero totoo talaga iyan kasi kung ano laman nito ay siyang magiging basehan ng mga hiring officer or employer para i-process ang application mo. Kaya kung gusto mo ng magandang work at successful career, dapat alam mo kung paano gumawa ng resume.    

Don’t follow specific format, but prefer a one-page resume

Puwede ang 1 inch (per side) margin format kung kaunti pa lang ang mailalagay mo sa iyong resume. Pero ako pinapaboran ko na ang one to two-page resume. Napansin ko kasi na mas handy at comprehensive para sa magbabasa. Iyong  iisipin ng tatanggap ay ipinagsisikan ko lang sa iisang page lahat, kaysa nilakihan ko yung margin at font size para magmukhang madami ang laman.  Isa pa’y most (if not all) of HR officers prioritize  clear and concise details than margins, formats or styles.  Lastly, laking tipid sa papel, printing, at staple wire  ang one-page resume. :p

It’s okay to create different versions of resume

I learned this the hard way.  Nababasa ko na noon na magandang i-customize ang resume depende sa in-applayan. Hindi ko ito pinapansin dati kasi iisang type lang naman ng work ang pinapasukan ko.   So ang mentality ko ay i-update ng i-update lang ang resume. Tapos, isang araw ay may HR Officer na ang assessment sa akin ay isang job hopper base sa resume ko.

I realized na, oo nga pala, their company type is the traditional and conservative one. Hindi nila masasakyan na sa  klase ng work ko ay mas output basis kami. Kaya mas marami kang nagawang project/work ay mas better. Parang sa mga director, scriptwriter, graphic artist, architects, painter, at artista na lumagare at gumawa ng award-winning projects. Hindi pahabaan ng paggawa ng isang project.   So since then, I decide to come up with 3- 5 versions of resume.
  • depende  sa company, industry o work
  •  gusto ko palitawin na edge ko,
  • ini-aim kong work setup ( full time, office-based, home-based, part time or freelance)
  • gusto kong magpabida-bida
  • if medyo kuma-career shift ako, na malayo sa background ko yung post na ini-aim ko 


Choose wisely kung ano ang ilalagay mo sa iyong resume


If you’re fresh grad or have zero work experience ay halos hindi mo problema ang pag-trim down ng info. Ang tip ko lang ay ‘wag mo ng ilagay ang religion, parents, height, weight, nationality, o citizenship mo (mayroon pa ba gumagawa nito?). Puwede naman pag-usapan ang mga iyan sa job interview kung  trip ng interviewer. Ang importante ay ma-highlight iyong skills at ginagawa mo upang maging magaling sa career mo. So sa akin ang staple headlines ay
  • work experience,
  • educational background,
  • skills set,
  • seminars/ workshops attended,
  • at extracurricular  activities/ achievements  
  • Optional na iyong career objective

Work reference. Matagal ng wala sa resume ko ang "References." Noong mayroon pa, may inilalagay akong note na “Available upon request.”  Ang logic din kasi d’yan ay kung kailangan talaga nila ng reference   (para makapag-background check) ay well-informed ako. In that way, mai-inform ko rin yung mga kakilala ko na sila ang nilagay ko for character reference.  Para hindi rin sila nagugulat (i-deny ako) and to protect as well yung contact information nila.  

Let go those that don’t apply sa iyong target  

Sa “Work Experiences,” kapag pang full time / day job ang application mo ay unahin mong tanggalin sa resume ang sideline, part time, o freelance jobs mo. Itira mo na lang iyong makakatulong at kaya mong depensahan na swak sa para  sa particular job application mo. Bakit?  Kasi mayroon pa ring stigma sa mga freelancer/ homebased like…
  • Nagmo- moonlighting o tumatanggap ng iba  pang trabaho bukod sa day job mo
  • Hindi ka sanay  sa office-based set up
  • Hindi ka nagtatagal sa trabaho kasi sala sa init o lamig ka
  • You are unreliable.  Kwestyonable  kung kaya mo mag-submit on time
Sad to say, even yung mga matagal ng nagha-hire ng freelancer ay may doubt o fear sa mga  freelancers. Marami rin ang kumukwesyon sa "months lang", kahit lagpas naman sa 3-6 months, so kung malapit naman na mag-one year  i-round off mo na lang sa  isang taon. Pero in general hindi talaga maganda sa resume ang  yung  1-5 months unless, usapang end of contract iyon at project based.  Kaya mas safe na ilagay lang yung ang 6-11 months  na trabaho.  

Sa “wake call” din ni HR officer, I learn to concentrate on what I want to market about myself. Kaya tinanggal ko rin yung ilang items under Training/Seminars attended, and Extracurricular activities na no bearing. Sa “Educational background” part, ang iniwan ko na lang ay college course ko, school, OJTs, at achievements. Sa “Seminars Attended” at “Extracurricular Activities” tinanggal ko rin yung matatagal na at hindi swak doon sa application.


Halimbawa: I’m a proud content creator/ blogger at nasa extra-curricular/ other activities ko ito. Ang reason ko for that ay malaman ng HR officers/ employers na I have  life  and other relevant passion outside work. Pero tinanggal ko lahat ng bakas noon sa ilang versions ng resume ko. Why?  I’m not marketing myself as a blogger anyway sa  karamihan ng pinapasukan kong companies.  I  also treat blogging bilang side project or passion business that I do during my free time.  So I’m just protecting my work-life balance  din.  

Make  your  resume a perfect ad of your brand


Sa isang trabaho na marami ang nag-a-apply, kailangan mapansin ng HR staff ang resume mo sa karamihan.   Dapat:
  • Error-free sa grammar at typos
  • Yung photo mo – ngiting tagumpay at hindi yung parang kakasesante lang ( preferred pa rin nila ang idinikit na 1x1 or 2x2 picture )
  • Organized at precise yung outline at details
  • May uniformity ang font style, font size, indention, at paraan ng pag-bullet.


Sa Headlines ( i.e. Experiences, Education, Seminars Attended etc),kung 12 ang font size ng isa, dapat ganun din ang iba.  Kung naka-isang indent pakanan ang mga naka-bullets under sa Work Experiences, dapat ganoon din sa items under Education, Skills, etc.  

Pag-aralan mo rin kung paano mo sisimplehan na gawing extra ordinary ang dating. Pero be careful na huwag makumpromiso noon yung overall presentation.  May ginawa ako before na nilagyan ko ng box ang bawat headlines. Okay iyon kapag sa hard copy, pero nung nakita ko sa email format, NAKU po, para ako nagpasa ng resume na puno ng typos. Umuurong yung mga letters, may lagpas sa loob ng box, at nawala sa alignment, etc.  Tandaan din na may iba-ibang version ang word files. Puwedeng yung itsura sa .doc (compatibility mode) ay maiba sa .docx.