Ang paggawa
ng resume ay paggawa ng marketing material ng iyong personal brand. Bigat ng definition 'di
ba? Pero totoo talaga iyan kasi kung ano
laman nito ay siyang magiging basehan ng mga hiring officer or employer para i-process ang application mo. Kaya kung gusto mo ng magandang work at successful career, dapat alam mo kung paano gumawa ng resume.
Don’t follow specific format, but prefer a one-page resume
Puwede
ang 1 inch (per side) margin format kung kaunti pa lang ang mailalagay mo sa
iyong resume. Pero ako pinapaboran ko na ang one to two-page resume. Napansin
ko kasi na mas handy at comprehensive para sa magbabasa. Iyong iisipin ng tatanggap ay ipinagsisikan ko lang
sa iisang page lahat, kaysa nilakihan ko yung margin at font size para
magmukhang madami ang laman. Isa
pa’y most (if not all) of HR officers prioritize clear and concise details than margins, formats or styles. Lastly,
laking tipid sa papel, printing, at staple wire
ang one-page resume. :p
It’s okay to create different versions of resume
I
learned this the hard way. Nababasa ko
na noon na magandang i-customize ang resume depende sa in-applayan. Hindi ko
ito pinapansin dati kasi iisang type lang naman ng work ang pinapasukan
ko. So ang mentality ko ay i-update ng
i-update lang ang resume. Tapos, isang araw ay may HR Officer na ang assessment sa
akin ay isang job hopper base sa resume
ko.
I
realized na, oo nga pala, their company type is the traditional and conservative
one. Hindi nila masasakyan na sa klase
ng work ko ay mas output basis kami. Kaya mas marami kang nagawang project/work
ay mas better. Parang sa mga director, scriptwriter, graphic artist, architects,
painter, at artista na lumagare at gumawa ng award-winning projects. Hindi pahabaan
ng paggawa ng isang project.
So
since then, I decide to come up with 3- 5 versions of resume.
- depende sa company, industry o work
- gusto ko palitawin na edge ko,
- ini-aim kong work setup ( full time, office-based, home-based, part time or freelance)
- gusto kong magpabida-bida
- if medyo kuma-career shift ako, na malayo sa background ko yung post na ini-aim ko
Choose wisely kung ano ang ilalagay mo sa iyong resume
If
you’re fresh grad or have zero work experience ay halos hindi mo problema ang
pag-trim down ng info. Ang tip ko lang ay ‘wag mo ng ilagay ang religion,
parents, height, weight, nationality, o citizenship mo (mayroon pa ba gumagawa
nito?). Puwede naman pag-usapan ang mga iyan sa job interview kung trip ng interviewer. Ang importante ay
ma-highlight iyong skills at ginagawa mo upang maging magaling sa career mo. So sa akin
ang staple headlines ay
- work experience,
- educational background,
- skills set,
- seminars/ workshops attended,
- at extracurricular activities/ achievements
- Optional na iyong career
objective
Work reference. Matagal ng wala
sa resume ko ang "References." Noong mayroon pa, may inilalagay akong note na “Available
upon request.” Ang logic din kasi d’yan ay
kung kailangan talaga nila ng reference (para makapag-background check) ay well-informed ako. In that way, mai-inform ko rin yung mga kakilala ko na sila ang nilagay ko for character reference. Para hindi rin sila nagugulat (i-deny ako) and to protect as well yung contact information nila.
Let go those that don’t apply sa iyong target
Sa “Work
Experiences,”
kapag pang full time / day job ang application mo ay unahin mong tanggalin sa resume ang sideline, part time, o freelance jobs mo. Itira mo na lang iyong makakatulong at kaya mong depensahan na swak sa para sa particular job
application mo. Bakit? Kasi mayroon pa ring
stigma sa mga freelancer/ homebased like…
- Nagmo- moonlighting o
tumatanggap ng iba pang trabaho
bukod sa day job mo
- Hindi ka sanay sa office-based set up
- Hindi ka nagtatagal sa trabaho
kasi sala sa init o lamig ka
- You are unreliable. Kwestyonable kung kaya mo mag-submit on time
Sad
to say, even yung mga matagal ng nagha-hire ng freelancer ay may doubt o fear sa mga freelancers. Marami rin ang kumukwesyon sa "months lang", kahit lagpas naman sa 3-6 months, so kung malapit naman na mag-one year i-round off mo na lang sa isang taon. Pero in general hindi talaga maganda sa resume ang yung 1-5 months unless, usapang end of contract
iyon at project based. Kaya mas safe na ilagay lang yung ang 6-11 months na trabaho.
Sa “wake call” din ni HR officer, I learn to concentrate on what
I want to market about myself. Kaya tinanggal ko rin yung ilang items under Training/Seminars attended, and Extracurricular activities na no bearing. Sa “Educational background” part, ang
iniwan ko na lang ay college course ko, school, OJTs, at achievements. Sa “Seminars Attended” at “Extracurricular
Activities” tinanggal ko rin yung matatagal na at hindi swak doon sa application.
Halimbawa:
I’m a proud content creator/ blogger at nasa extra-curricular/ other activities
ko ito. Ang reason ko for that ay malaman ng HR officers/ employers na I have life and other
relevant passion outside work. Pero tinanggal ko lahat ng bakas noon sa ilang versions ng
resume ko. Why? I’m not marketing myself
as a blogger anyway sa karamihan ng pinapasukan kong companies. I also treat blogging bilang side project or passion
business that I do during my free time. So
I’m just protecting my work-life balance din.
Make your resume a perfect ad of your brand
Sa
isang trabaho na marami ang nag-a-apply, kailangan mapansin ng HR staff ang
resume mo sa karamihan. Dapat:
- Error-free sa grammar at typos
- Yung photo mo – ngiting tagumpay at hindi yung parang kakasesante lang ( preferred pa rin nila ang idinikit na 1x1 or 2x2 picture )
- Organized at precise yung
outline at details
- May uniformity ang font style,
font size, indention, at paraan ng pag-bullet.
Sa Headlines ( i.e. Experiences, Education,
Seminars Attended etc),kung 12 ang font size ng isa, dapat ganun din ang iba. Kung naka-isang indent pakanan ang mga naka-bullets
under sa Work Experiences, dapat ganoon din sa items under Education, Skills,
etc.
Pag-aralan mo rin kung paano mo sisimplehan na gawing extra ordinary ang dating. Pero be
careful na huwag makumpromiso noon yung overall presentation. May ginawa ako before na nilagyan ko ng box ang bawat headlines. Okay iyon kapag sa hard copy, pero nung nakita ko sa email
format, NAKU po, para ako nagpasa ng resume na puno ng typos. Umuurong yung mga letters,
may lagpas sa loob ng box, at nawala sa alignment, etc. Tandaan
din na may iba-ibang version ang word files. Puwedeng yung itsura sa .doc (compatibility
mode) ay maiba sa .docx.